Kanselado ang ilang domestic flights ngayong araw dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa hindi natuloy na byahe ay patungo sa Northern at Southern Luzon.

Partikular na kinansela ang Manila-Cauayan-Manila flight ng Cebu Pacific at Manila-Naga-Manila flight ng Cebgo.

Payo ng MIAA, makipag-ugnayan muna sa airline company bago magtungo sa airport upang hindi matengga sa paliparan at hindi na rin makadagdag sa volume ng mga tao.