-- Advertisements --

Tinutugunan na ng Department of Transportation (DOTr) ang reklamo ukol sa mga napunit na passports dahil hindi tamang paghawak ng mga airline personnel.

Ayon kay DOTr Spokesperson Mon Ilagan, na mayroong 3 insidente na ang nakarating sa kanilang opisina.

Dagdag pa nito na matapos ang nasabing insidente ay nakipag-ugnayan na si DOTr Secretary Vince Dizon sa mga airline companies.

Pinaalalahan ng kalihim ang mga ito na bantayan nila ang mga personnel nila.

Ipinag-utos din nito ang nasabing mahigpit na pagbabantay sa mga CCTV sa lugar.

Kasabay din nito ay pinaalalahanan nito ang mga pasahero na dapat ay maging maingat sila sa mga gamit at mga dokumento.