Nakiisa rin ang ilang celebrities sa taunang prusisyon ng Poong Hesus Nazareno o Traslacion sa Maynila, ngayong Biyernes, Enero 9.
Kabilang sa nakiisa sa libu-libong mga deboto ang bagong kasal na sina Kiray Celis at kaniyang husband na si Stephan Estopia kasabay nito ang kanilang hiling na mabiyayaan ng unang supling.
Ibinahagi rin ni Kiray sa isang online post na matagal na siyang deboto ng Poong Hesus Nazareno mula noong bata pa siya hanggang sa ngayong ikinasal na siya.
“Ilang taon deboto ng Poon Jesus Nazareno at bata na kumakanta every year para sa Poon Jesus Nazareno.. 6 years na magjowa at every year magkasabay na kami pumupunta. At ngayon, Kasal na.. sabay parin pupunta! Salamat sa lahat ng Blessings AMA. Mahal na mahal ka namin! Sana po sa susunod na punta namin sayo, may baby napo kami Stephan Estopia,” caption ng aktres sa kaniyang FB post.
Samantala, nakiisa rin sa Traslacion ngayong taon ang celebrity singer at deboto ng Nazareno na si Angeline Quinto.
Si Quinto ang umawit ng inspirational song na “Huwag Kang Mangamba” sa Quirino Grandstand ilang minuto bago simulan ang pursisyon ngayong araw.
Ilan pa sa mga kilalang artista na nagpahayag ng debosyon sa Poong Hesus Nazareno ay ang mga aktor na sina Coco Martin, McCoy de Leon, beteranong aktor na si Christopher de Leon, ang journalist na si Noli de Castro, aktres na si Dimples Romana, celebrity couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina, actress-comedian na sina Ai-Ai delas Alas, Giselle Sanchez at sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.















