CENTRAL MINDANAO-Nakakaranas ng pagbaha ang ilang bayan sa Maguindanao dulot nang malakas na buhos ng ulan.

Lubog sa baha ang mga bayan ng Datu Salibo,Shariff Saydona Mustapha at Sultan Sabarongis.

May mga paaralan rin sa probinsya ang apektado ang pasukan dahil sa baha.

Kinumpirma ni Maguindanao Division I Superintendent Alibai Benito Aleuden, tatlong mga paaralan ang nalubog sa baha.

Apektado ng pagbaha ang Pagatin at Sambulawan Elementary School sa Sharif Saydona Mustapha at ang Barurao Elementary School naman sa Sultan Sabarongis.

Pansamantalang nagklaklase ang mga guro sa mga matataas na lugar o kaya magmake-up class na lamang sila.

Hiling ng mamamayan ng Maguindanao na sana matuloy ang dredging operation ng Rio Grande de Mindanao at Liguasan Marsh na una nang plano ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.