-- Advertisements --

Umabot na sa 17,694 katao ang natukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na apektado sa malawakang pagbaha sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, at Zamboanga Peninsula (R-9).

Batay sa datus ng DSWD Disaster Response Management Office, ito ay katumbas ng 5,022 pamilya mula sa kabuuag 142 barangay sa apat na nabanggit na rehiyon.

Kasalukuyan namang nakabukas ang hanggang 80 evacuation center kung saan pansamantalang naninirahan ang hanggang 1,598 pamilya na binubuo ng 5,255 katao.

Samantala, pinili naman ng mahigit 3,000 pamilya na makitira pansamantala sa kanilang mga kakilala at kamag-anak, matapos abutin ng baha ang kanilang mga tahanan. Ito ay katumbas ng 859 pamilya.

Batay pa sa report ng DSWD, umabot na sa 22 kabahayan ang natukoy bilang totally damaged habang 152 ang bahagyang napnsala.

Nananatiling available ang halos tatlong bilyong piso (P3 billion) na halaga ng supplies at quick response fund para magamit bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng pagbaha.