-- Advertisements --

Nagtaas ngayon ng yellow rainfall alert sa Palawan at ilan pang bahagi ng Southern Luzon dahil sa paglakas ng hanging habagat.

Ayon sa Pagasa, epekto ito ng paghatak ng low pressure area (LPA) sa southwest monsoon mula sa West Philippine Sea.

Aasahan din ang biglaan at malakas na ulan sa iba pang parte ng Luzon at Visayas.

Samantala, namataan ang LPA sa layong 495 km sa silangan ng Infanta, Quezon.

Sa nakalipas na mga oras, bahagyang tumaas ang posibilidad nitong lumakas at maging ganap na bagong sama ng panahon.

Kung magiging bagyo, tatawagin itong tropical depression “Enteng.”