Mariing iginiit ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea, commo. Jay Tarriela na boluntaryo at hindi pakana ng gobyerno ang ikinasang civilian supply mission ng Atin Ito Coalition sa Bajo de Masinloc shoal.
Ito ang binigyang-diin ng naturang opisyal kasunod ng mga pinapalutang na naman ng China na ang naturang aktibidad umano ay alinsunod sa utos ng pamahalaan ng Pilipinas.
Ayon kay Tarriela, desisyon ng Atin Ito Coalition na maglayag sa Bajo de Masinloc Shoal ay kanilang sariling inisyatiba at hindi inudyok o pinilit ng gobyerno.
Dagdag pa rito ay sinabi rin ng naturang opsiyal na para aniya sa National Task Force for the West Philippine Sea ang hakbang na ito ng naturang civil society group ay isang magandang senyales na nagpapakita lamang ng pagiging epektibo ng kanilang transparency strategy sa pagtugon sa mga isyu sa naturang pinag-aagawang bahagi ng karagatan.