-- Advertisements --

Nakatanggap ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na ika-anim na freeze order mula sa Court of Appeals sa mga ari-arian ng mga sangkot sa anomalya ng flood control projects.

Ayon sa AMLC na ang bagong freeze orders ay sumasakop ng 39 na bank accounts, apat na insurance policies at 59 real estate properties kabilang ang commercial at agricultural assets.

Dagdag pa ng AMLC na ang ilang mga real estates assets ay mula sa mga matataas na opisyal ng gobyerno na hinihinalang sangkot sa flood control projects.

Sa kasalukuyan ay mayroong 1,671 na mga bank accounts ang na-freeze ng AMLC, kasama na ang 58 insurance policies, 163 sasakyan, 99 na lupain at 12 e-wallet accounts na nagkakahalaga ng kabuuang P4.67-bilyon.