-- Advertisements --

Lalakas pa ang tropical depression Igme na nabuo kagabi sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 285 km sa hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ang TD Igme nang pahilaga sa bilis na 15 kph.

Wala itong direktang epekto sa Pilipinas, ngunit pinalalakas ng sama ng panahon ang pag-iral ng hanging habagat.

Kaya asahan ang makulimlim hanggang sa may mga pagbuhos ng ulan sa malaking parte ng ating bansa.