Nakabalik na sa Pilipinas ang dating pulis at manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) na si Royina Garma matapos ang paghingi nito ng asylum sa US dahil sa pagbubunyag niya ng pang-aabuso sa war on drugs.
Ayon sa Bureau of Immigration , na nitong Sabado, Setyembre 6 ng dumating sa bansa si Garma mula Los Angeles, California.
Umalis si Garma kasama ang anak na babae noong Nobyembre 7 at siya ay naharang at kinustodiya ng US immigration sa San Francisco dahil sa kanselado ang VISA nito.
Kinasuhan siya ng National Bureau of Immigration at Philippine National Police ng murder at frustrated murder dahil sa sangkot siya sa pagpatay kay PCSO board secretary Wesley Barayuga.
Kasama sa kinasuhan ay sina dating National Police Commission commissioner Edilberto Leonardo, mga kapulisan na sina Jeremy Causapin, Santie Mendoza at Nelson Mariano.
Nabuksan ang kaso matapos ang testimonya ni Mendoza sa Quadcom noon kung saan nangyari ang ambush noong Hulyo 30, 2020 malapit sa opisina ng PCSO sa Mandaluyong na nagresulta sa pagkakasawi kay Barayuga.
Idiniin ni Mendoza na sina Garma at Leonardo ang mastermind sa nasabing pag-atake.
Magugunitang ibinunyag ni Garma na nagkakaroon ng cash rewards sytem para sa mga pinapatay na drug suspeks.
Ginaya nila umano ang Davao kung saan mayroong financial rewards para pamalit sa naplanong operations at reimbursement sa nagastos na operasyon.
Mariing itinanggi naman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing alegasyon na ito ni Garma.