-- Advertisements --
Personal na nanood ng finals ng US Open tennis si US President Donald Trump.
Bago ang pagsisimula ng laro ay kumaway pa ito sa mga naonood na mga fans.
Ang nasabing finals ay sa pagitan nina Jannik Sinner at Carlos Alcaraz.
Bago ang nasabing torneo ay pinaalalahanan ng US Tennis Association ang mga broadcasters na huwag ipakita ang reaksyon ng mga tao sa pagdating ni Trump.
Mayroong kasaysayan si Trump na dumadalo ito sa mga baseball games, UFC fights na nakakatanggap nito ng magkakahalong reaksyon.