-- Advertisements --

Nasa mahigit 15, 000 katao ang nagsagawa ng kilos protesta sa Israel para ipinawagan ang pagpapalaya ng bihag.

Ipinapanawagan ng mga ito kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, na pumayag na sa kasunduan para mapalaya ang mga natitirang bihag.

Kasama sa kilos protesta ang mga kaanak at supporters ng mga bihag na hawak ng Hamas.

Pinalibutan nila ang buong Paris Square sa Jerusalem habang ang iba ay nasa Tel Aviv.

Sa kabuuang 48 na bihag sa Gaza ay tinatayang nasa 20 pa ang buhay.

Magugunitang aabot sa 251 na bihag ang kinuha ng mga Hamas sa kanilang ginawang paglusob sa Israel noong Oktubre 7, 2023 kung saan nasa 1,200 na katao ang nasawi.