-- Advertisements --
Nagpadala ang International Criminal Court (ICC) sa Russia para sa gagawing war crimes investigation ng nasabing bansa.
Sinabi ni ICC prosecutor Karim Khan na patuloy ang pangangalap ng kaniyang grupo ng mga ebidensiya.
Ilan sa mga dito ay ang crimes against humanity at genocide ganun din ang paglabag sa Geneva Conventions.
Inihalimbawa naman nito ang ginawang pagpapaulan ng Russia ng bomba sa mga matataong lugar sa Ukraine.
Kahit na hindi miyembro ng ICC ang russia ay maaaring ma-extradite ang mga Russian nationals para harapin ang kaso sa The Hague.
Nagbunsod ang imbestigasyon matapos ang alegasyon ng 39 na bansa na patuloy ang ginagawang pag-atake ng Russia sa Ukraine kung saan maraming mga inosenteng sibilyan ang nasawi.