Mayroong napili ang International Criminal Court prosecutors na tatlong medical experts para tumingin sa kalusugan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang mga ito ay eksperto mula sa behavioral neurology, neuropsychology at forensic psychiatry.
Base sa siyam na pahinang inilabas ng Office of the Prosecutor na pirmado ni Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang, na suportado nila ang pagtatalaga ng multidisciplinary panel of experts para tumingin sa dating Pangulo kung kaya nitong humarap sa pagdinig.
Naghayag naman ng kahandaan sa kanilang serbisyo ang mga eksperto mula ngayong buwan.
Nakasaad din sa dokumento ang pagkontra ng Prosecution sa pahayag ng Depensa na ang pagtatalaga ng mga eksperto ay maaring magkaroon ng isyu ng “bias”.
Una ng hindi pinayagan ang medical officer ng International Criminal Court (ICC) na tumingin sa kalusugan ng dating pangulo.
Magugunitang noong Marso ng arestuhin ang dating pangulo dahil sa kampanya nito sa iligal na droga noong ito ay pangulo ng bansa.