Pinayagan ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber ang hiling ng Prosecution na palawigin ang deadline ng mga pagpapakita ng arrest warrants ganun din ang pagpapakilala sa mga witness ng crimes against humanity case laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa limang pahinang desisyon na inilabas ni Presiding Judge Iulia Antoanella Motoc , inatasan nito ang Prosecution na kumpletuhin ang nabanggit ng mga dokumento ng hanggang Hulyo 1, 2025.
Kasabay din nito ay marapat na magsumite rin ang Prosecution ng anumang application for redactions, non-disclosure of witness’s identities o non-disclosure of buong ebidensya at ang Victims at Witness unit na magsumite ng observation ng aplikasyon ng hanggang Hunyo 16.
Una ng isinumite ng Prosecution ang request extension bilang pagkilala sa karapatan ng dating pangulo ng bansa.