-- Advertisements --

Lubos na ikinagalak ng International Criminal Court (ICC) ang pagkakahatol kay Ali Muhammad Ali Abd-Al-Rahman, mas kilala bilang Ali Kushayb, sa 27 kaso ng war crimes at crimes against humanity kaugnay ng malawakang karahasan sa Darfur, Sudan mula Agosto 2003 hanggang Marso 2004.

‘The conviction of Mr Abd-Al-Rahman is a crucial step towards closing the impunity gap in Darfur. It sends a resounding message to perpetrators of atrocities in Sudan, both past and present, that justice will prevail, and that they will be held accountable for inflicting unspeakable suffering on Darfuri civilians, men, women and children,’ ani ICC Deputy Prosecutor Nazhat Shameem Khan.

Si Kushayb, ay dating mataas na opisyal ng Janjaweed militia, isang armadong grupong sinusuportahan ng pamahalaan ng Sudan na kilalang sangkot sa brutal na kampanya laban sa mga rebeldeng grupo sa Darfur.

Kabilang sa mga inuugnay na krimen sa Darfur ay ang murder, torture, rape, at persecution, na bahagi umano ng malawak at sistematikong pag-atake sa West Darfur.

KASAYSAYAN SA HUSTISYA

Ayon sa ICC ito ang unang naging conviction sa Darfur at unang naihaing kaso na lubos aniyang nagbunga ng magandang resulta matapos itong i-refer ng United Nations Security Council sa ICC noong 2005.

Binibigyang-diin ng ICC na ito rin daw ang unang isinagawang paghatol ng Korte sa gender-based persecution, kabilang ang panggagahasa ng mga kababaihan at mga batang babae.

Kung saan napatuyan ng prosekusyon ang naging pananagutan ni Kushayb sa pag-supil laban sa mga kalalakihan ng Fur tribe base sa kanilang ethnic, politikal, at gender background.

TIWALA SA KATARUNGAN

Ayon kay Deputy Prosecutor Nazhat Shameem Khan, ang desisyon ng paghatol ng hukuman laban kay Kushayb ay pagkilala sa katapangan at kabayanihan ng libo-libong biktima ng malawakang pagpatay sa Darfur. “The judges’ decision is a tribute to the bravery of many thousands of Darfuri victims, who hoped and fought for justice through the years. Upholding the laws of armed conflict, the judgment affirms the fundamental value and dignity of the lives of the Darfuri people.”

‘Today we have shown what we can achieve when we work together, with victims, national authorities and based on the mandate and support of the UN Security Council. This moment also represents a vindication of the decision of the Council to refer this matter for action to our Office. And we are working to ensure that the trial of Mr Abd-Al-Rahman will be the first of a number in relation to the Situation in Darfur at the International Criminal Court,’ dagdag pa ni Khan.

SUSUNOD NA HAKBANG

Samantala nakatakda naman na isinunod ng Korte ang sentencing phase upang pagdesisyunan ang haba ng parusang ipapataw kay Kushayb.

Patuloy ding nananawagan ang ICC para sa pag-aresto sa iba pang may outstanding warrants, kabilang sina dating Sudan President Omar Al Bashir, Ahmad Harun, at Abdel Raheem Muhammad Hussein.

Nananatili namang aktibo ang imbestigasyon ng ICC sa Darfur, kasabay ng panawagan para sa hustisya at kapayapaan sa rehiyon.