Ibinasura ng International Criminal Court (ICC) ang petisyon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa jurisdiction ng korte.
Base sa desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber na inilabas ngayong Oktubre 23 ay nanindigan sila na otorisado sila na ituloy ang kaso laban sa dating pangulo dahil sa crimes against humanity.
Dagdag pa nito na maaari nilang hawakan ang kaso kahit na naganap ang krimen sa Pilipinas.
Tinanggihan rin ng korte ang hiling ng depensa na ipagpaliban ang pagpapalabas ng desisyon.
Nangangahulugan nito na ang prosecution ng kaso ay matutuloy sa The Hague.
Magugunitang naaresto si Duterte noong Marso 11 dahil na rin sa hiling ng ICC bilang bahagi ng imbestigahan sa “war on drugs” noong ito ay pangulo.
Ipinagpaliban ang confirmation of charges noong Setyembre 23 dahil sa hiling ng kampo ni Duterte.
Kasama rin na ibinasura ng ICC Pre-Trial Chamber ang hiling ng defense team na interim release sa dating pangulo.