-- Advertisements --

Iminungkahi ng Integrated Bar of the Philippines o IBP Aklan Chapter na pabilisin ang pagsasampa ng kaso sa iba pang sangkot sa mga kwestiyunableng flood control project kabilang ang plunder, na isang nonbailable na krimen na may parusang habambuhay na pagkakakulong.

Ayon kay Atty. Jude Mangilog, president ng IBP Aklan Chapter at isang Law professor na huwag magpaloko sa mga nagaganap na drama, kung saan ang pinakahuli ay ang akusasyon ni Senador Aimee Marcos na gumagamit umano ng illegal na droga ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Mistulang nililihis umano ang isyu sa flood control.

Maliban dito, ang pagtanggi sa paratang ng mga opisyal at mambabatas na pinangalanan ng mga resource persons sa isinagawang imbestigasyon in aid of legislation.

Dagdag pa ni Atty. Mangilog na dapat na magkaroon ng matibay at sapat na mga ebidensiya sa pagsasampa ng kaso upang maipakulong ang mga umano’y nagbulsa ng milyon-milyong kickback mula sa flood control projects.

Umaasa siyang hindi matulad ang kaso sa pork barrel scam, kung saan si Janet Lim Napoles lang ang nabulok sa bilangguan habang nakalaya ang mga itinuturing na malalaking isda.