Bukas ang pintuan ng bansang Hungary para gumawa ng collaborative programs kasama ang Pilipinas upang kontrolin ang coronavirus pandemic.
Ikinatuwa rin ni Hungarian Foreign Minister Peter Szijjarto ang ginagawang mga hakbang ng gobyerno para labanan ang lalo pang pagkalat ng nakamamatay na virus.
Isa kasi sa mga natalakay nina Szijjarto at Foreign Secretary Teodoro Locsin ang coronavirus response na pinaiiral ng pamahalaan sa bansa subalit kailangan pang isapinal ng magkabilang panig ang mga detalye para sa naturang cooperation projects.
Ayon kay Szijjarto, mahalaga ang pagkakaisa ng mga bansa sa panahon ng pandemya dahil mas mapapabilis at mapapaganda pa nito ang mga hakbang laban sa COVID-19.
Si Szijjarto ang kauna-unahang hig-ranking foreign government official na bumisita sa Maynila simula noong magpatupad ng lockdown sa bansa noong Marso.
Sa ngayon, nakapagtala na ang Hungary ng 41,732 cases ng COVID-19, 12,628 recoveries at 1,052 naman ang nasawi.