-- Advertisements --

Bahagyang lumakas ang pagkilos ng tropical depression na si “Crising” habang tinatahak nito ang silangang karagatang bahagi ng Bicol region.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa may 615 kilometers ng silangang bahagi ng Virac, Catanduanes.

May taglay ito na lakas ng hangin ng hanggang 55 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 70 kph at bilis ng hanggang 10 kph.

Itinaas naman ng PAGASA ang tropical cyclone wind signal number 1 sa mga lugar ng Gattaran, Baggao, Peñablanca sa Cagayan; Maconacon, Divilacan, Palanan, Dinapigue, San Pablo, Tumauini, Ilagan City, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Echague, Jones, San Agustin, Naguilian, City of Cauayan, Angadanan, Gamu, Cabagan, Reina Mercedes sa Isabela ; Dilasag, Casiguran, Dinalungan sa Aurora at sa Maddela sa Quirino.

Magdadala ang nasabing bagyo ng malalakas na pag-ulan sa Southern at Central Luzon kasama ang Metro Manila, Visayas at Zamboanga Peninsula.

Maaring maging severe typhoon ang kategorya ni Crising bago ito mag-landfall sa mainland Cagayan o Babuyan Island sa madaling araw ng Biyernes o Sabado.

Inaasahan naman na lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa hapon o gabi ng Sabado.