-- Advertisements --
Screenshot 20210829 014412 Chrome

Tinapos na ng United Kingdom (UK) ang evacuation ng mga sibilyan sa Kabul, Afghanistan dahil pa rin sa tumitinding tensiyon doon maging ang banta ng mas maraming pag-atake.

Ngayong araw lamang nang lisanin ng pinakahuling UK flight ang Kabul kasunod ng pag-airlifth sa mahigit 15,000 katao matapos i-take over ng Taliban ang naturang bansa.

Kung maalala, dalawang linggo ring nagkaroon ng British flight para sa mga Afghan at British citizens na naiipit sa kaguluhan doon.

Sa ngayon, daan-daan pa ring mga displaced Afghan families ang humihingi ng pagkain at tirahan.

Nakaalerto pa rin naman ang United States forces na tumutulong sa pagpapalikas sa mga Afghans na desperado nang makaalis sa kanilang bansa dahil sa Taliban rule.

Kasunod na rin ito ng banta ng mas maraming pag-atake ng ISIL-affiliated suicide bombers na nagsagawa na nang pambobomba doon na ikinamatay ng 175 katao.

Nasa 13 US service members at 162 Afghans ang namatay sa naturang pag-akate sa labas ng Kabul airport.

Naniniwala ang US na mayroon pa ring “specific, credible” threats sa airport matapos ang malagim na insidente.