Sinimulan na ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang imbestigasyon kaugnay sa maling paggamit o misuse of funds ng Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Iimbestigahan ng house panel ang posibleng “malfeasance, misfeasance at nonfeasance” na may kaugnayan sa kabiguan na ideliver ang mga mahahalagang proyekto lalo na ang pamamahagi ng laptop at e-learning equipment.
Ayon kay Panel Chair, Manila 3rd District Rep. Joel Chua na nakatanggap na sila ng otorisasyon mula sa House Committee on Rules na magsagawa ng motu propio investigation.
Nagdesisyon kasi ang komite na magsagawa ng imbestigasyon matapos ang manifestation ni Rep. Gerville Luistro.
Ang imbestigasyon ay nakatutok sa pagkabigo ng DepEd na gamitin o i-utilized ang nasa P9 billion na pondo mula sa P11.36 billiob na budget para sa ICT equipment nuong 2023 na nag resulta sa mababang utilization rate na nasa 19.22%.
Nakatakda din bubusisiin ng Komite ang 2023 COA report na nagpapakita ng seryosong operational deficiencies sa computerization program ng DepEd.
Batay sa ulat ng COA nasa 50.07% ng budget sa nasabing programa ang na utilized subalit walang makabuluhang accomplishments.
Binatikos naman ni Manila Rep. Rolando valeriano si VP Sara sa kakulangan ng transparency.
Determinado naman ang KAmara na mapanagot ang DepEd at OVP hinggil sa lapses at matiyak na ang mga pondo ng gobyerno sa hinaharap ay nagagamit ng tama.