Tiniyak ni House Committee on Appropriations senior vice chair at Marikina Representative Stella Luz Quimbo na bago mag pasko mapagtibay na ang General Appropriations Bill ang P5.268 Trillion proposed 2023 national budget.
Aniya Magandang pamaskong handog ang komprehensibong 2023 budget para sa ating mga kababayan kung ito ay maaprubahan bago ang pasko.
Si Quimbo ay kabilang sa 14-man house contigent sa bicameral conference committee meeting.
Sa panayam kay Quimbo kaniyang binigyang-diin nakatuon sa 8-point socio-economic agenda ni Pang. Bongbong Marcos ang ipapasang national budget.
Kapwa pinagtibay ng Congress at Senate ang Medium-term Fiscal Framework bago pa man ang budget deliberations na siyang magiging guide post para isapinal ang pambansang pondo.
Siniguro naman ni Quimbo na kahit may ilang disagreeing provisions, hindi magiging mahirap para sa Kongreso at Senado na mag-reconcile.
Samanta, tiniyak naman ni Speaker Martin Romualdez kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa mamamayang Pilipino na bago matapos ang kasalukuyang taon ay mararapitikan na ng Kamara at Senado ang 2023 national budget na siyang sandigan ng Agenda for Prosperity ng administrasyon.
Ayon kay Rmualdez ang 2023 budget ang magsasakatuparan sa mga hakbang ng administrasyon para matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, mababang pasahod at epekto ng pandemya lalo na sa ekonomiya.
Tiwala si Romualdez na mapapabilis ng 2023 budget ang ating economic growth na tiyak magbibigay benepisyo sa mamamayang Pilipino.
Samantala sa panig naman ng minority, sinabi ni Minority Leader Rep Marcelino Libanan na umaasa sila na ang mga ipatutupad na institutional amendments ay makabubuti sa ating mga kababayan.