-- Advertisements --

Haharapin ni Pinay tennis star Alex Eala ang US professional tennis player na si Kayla Day, sa semifinals ng Guadalajara Open.

Umusad si Eala sa quarterfinals, matapos nitong dominahin ang deciding set Round of 16, laban kay Varvara Lepchenko. Ang naturang laban ay dating naudlot dahil sa mabibigat na pag-ulan.

Matapos ang ilang oras, hinarap ni Eala si Italian tennis player Nicole Fossa Huergo sa quarterfinals.

Sa naturang laban, agad gumawa ng dominanteng performance ang Pinay star at opinoste ang 7-6 win sa unang set.

Pinilit naman ni Huergo na bumangon sa ikalawang set ngunit sa ikalimang game, hawak na ni Eala ang 3-2 lead.

Pinalawig pa ito ni Eala at sa pagtatapos ng 7th game, hawak na niya ang score na 5-2 hanggang sa tuluyang matapos ang laban, 6-2.

Dahil sa panalo, si Eala na ang itinuturing na highest-seeded player sa Guadalajara Open.

Kung mananalo siya sa semis, tiyak na ang paghawak niya sa ikalawang puwesto, habang nananatili ring buhay ang kaniyang tyansa na maging champion sa naturang turneyo.

Magaganap ang laban sa pagitan nina Eala at Day bukas ng umaga.