HONGKONG

Napilitang magpaulan ng rubber bullets at tear gas ang mga kapulisan sa Hong Kong laban sa mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Kasunod ito sa patuloy na pagtutol ng maraming mamamayan ng Hong Kong sa kontrobersiyal na extradition bill.

Ang nasabing panukalang batas ay naglalayon na ang mga may kasong kriminal ay dadalhin sa mainland China at doon lilitisan.

Umabot naman sa 72 katao na may edad 15-66 ang nasugatan dahil sa sagupaan ng mga kapulisan at mga protesters.