-- Advertisements --
Maglalabas ng bagong direktiba ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabawal ng home quarantine sa mga nagpopositibo sa COVID-19.
Ayon sa dating COVID patient na si Interior Sec. Eduardo Año, sakop ng kautusang ito mahihirap o mayayaman.
“Pinakamaganda talaga ay lahat ma-isolate natin, “rich and poor,” wika ni Año.
Lumalabas kasi sa pag-aaral na hindi angkop ang pananatili sa bahay ng mga infected ng deadly virus, dahil sa kakulangan ng tamang gabay mula sa mga manggagamot.
Kaya naman, oobligahin na ang lahat ng may COVID-19 na sa ospital o sa quarantine facility na manatili habang nagpapagaling.
Sa pagtaya ni Año, mailalabas nila ang malinaw na panuntunan hinggil dito bago matapos ang linggong kasalukuyan.