-- Advertisements --

Ilulunsad ng PAGCOR ang isang 24/7 hotline para sa mga indibidwal na may problema sa pagsusugal, bilang tugon sa panawagan ni Kabataan Party-list Rep. Renee Co.

Makikipagtulungan ang PAGCOR sa Seagulls Flock Foundation, isang NGO na dalubhasa sa rehabilitasyon, upang sanayin ang mga operator ng hotline.

Ang mga tatawag ay maaaring i-refer sa mga partner rehab centers ng PAGCOR tulad ng Bridges of Hope, Life Recovery Center, at Milestone Health and Wellness.

Bukod pa rito, mayroon nang self-exclusion program ang PAGCOR na may mahigit dalawang libong naaprubahang aplikasyon, kung saan ang minimum gaming ban ay isang taon, at mahigpit ang proseso bago pahintulutang makabalik sa paglalaro.

Hinihimok ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco ang publiko na ilapit sa PAGCOR ang kanilang mga kaanak na lulong sa pagsusugal para sa kaukulang tulong at rehabilitasyon.