Evans Robert
Robert Evans

Pumanaw na ang Hollywood producer na si Robert Evans sa edad 89.

Ayon sa kampo nito na nagkaroon ng kumplikasyon ito na sanhi ng kaniyang kamatayan.

Kilala si Evans sa mga ginawa nitong pelikula gaya ng “Godfather” , “Chinatown” at “Urban Cowboy”.

Nagsimula si Evans bilang actor na lumabas sa pelikulang “The Sun Also Rises”.

Isang malaking hamon kay Evans ang paggawa nito ng pelikulang “The Cotton Club” na ilang taon nitong ginawa at inilabas lamang noong 1984.

Huling pelikula na ginawa nito ay ang “How to Lose a Guy ni 10 Days” noong taong 2003.

Dumanas ito ng stroke noong 1998 na nagdulot ng kaniyang bahagyang paralyzed hanggang naka-recover.

Pitong beses na rin itong na-divorce kung saan ang pinakamadaling kasal nito ay umabot lamang ng 10 araw.