-- Advertisements --

Patay ang isang holdaper matapos na manlaban umano sa kapulisan ng Caloocan City, kagabi.

Pasado alas-otso ng gabi habang naghihintay ng masasakyan ang babaeng negosyante ng bigla na lamang itong lapitan ng dalawang suspek.

Nakuha sa biktima ang cash na mahigit na halos P400,000 at alahas na nagkakahalaga ng P40,000.

Saktong may dumaan na nagrorondang kapulisan kaya agad na humingi ng tulong ang biktima.

Naabutan ito ng kapulisan subalit imbes na sumuko ay nakipagbarilan pa ito na nagbunsod sa pagkasawi ng isa at pagkaaresto ng kasamahan nito.