Itinuturing pa rin ng Philippine National Police (PNP ) at Commission on Election (COMELEC)na na ‘pangkalahatang mapayapa ang naganap na kauna-unahang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ito ay kahit sa gitna ng naganap na pamamaril sa buong rehiyon.
Sinabi ni PNP spokesperson Allen Rae Co, na ang mga naganap na pamamaril ay maituturing lamang na isolated cases.
Nagtala rin ang PNP ng tatlong katao na nasawi dahil sa pamamaril.
Sa panig naman ng COMELEC sinabi ni Chairman George Garcia na nakakalungkot ang nasabing pamamaril na naganap sa Cotabato City.
Kanilang kinokondina ang nasabing pangyayaring pamamaril sa nasabing lungsod.
Magugunitang ilang mga guro na rin ang umatras at hindi na nagpatuloy para maging election officers.
Nagkaroon din ng palitan ng putok sa pagitan ng PNP Special Action Force at mga hindi pa kilalang armadong grupo sa Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao del Sur.
















