-- Advertisements --
Inakusahan ng Denmark ang Russian warship na nagpakawalang dalawang emergency flares sa kanilang helicopters.
Nangyari ang insidente habang sinusundan ng helicopters ang barko ng Russia sa Baltic Sea.
Dahil sa insidente ay pinatawag ng Danish government ang Russian ambassador kung saan nangyari ito sa “routine” monitoring operation.
Sinabi naman ni Prime Minister Mette Frederiksen na ang ginawa na ito ng Russia ay nakakabahala at layon nito ay para manakot at magkaroon ng alitan.
Tiniyak naman ng Russia na kanilang iimbestigahan ang nasabing pangyayari.
















