Patay ang hinihinalang holdaper matapos na umano’y makipagbarilan sa kapulisan sa Caloocan City.

Sinabi ni Caloocan City police chief Noel Flores, nasita ng mga kapulisan sa isang checkpoint ang tatlong lalaki na lulan ng motorsiklo.

Kakapkapan pa sana ni Corporal Philip Tizon ang isang suspek subalit ito ay agad umanong bumunot ng baril kaya inunahan siya ng isang pulis na kasamahan nito.

Naaresto ang isang kasamahan nito habang nakatakas ang isa pa nilang kasama.

Nakuha sa kustodiya ng suspek ang isang kalibre .45 na baril.