-- Advertisements --
Nagbabala ang Department of Science and Technology (DOST) para sa mga sumusubok na agad ng “Melatonin” bilang pangontra sa COVID-19.
Sinabi ni DOST Sec. Fortunato dela Peña na bagama’t nakatulong ito sa ilang high risk patients na may COVID, “habit forming” naman ang nasabing produkto sa katagalan ng pag-inom.
Nabatid na ang Melatonin ay sleep inducer at dati nang nabibili sa merkado.
Pero dapat na may gabay pa rin ng mga doktor, dahil sa high dosage nakikita ang epekto nito sa mga pasyente.
Sa hiwalay na pahayag ng Department of Health (DoH), nasimulan na ang trial sa nasabing mga produkto.