-- Advertisements --

Nananatili pa rin ang higit sa 22,000 na mga evacuees sa mga evacuation centers matapos na manalasa ang Bagyong Crising at pagdadala ng mga malalakas na pagulan bunsod nman ng Habagat.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), patuloy nilang minomonitor at binabantayan ang mga ulat na kanilang matatanggap mula sa mga residente hinggil pa rin sa epekto ni Crising at ng Habagat.

Sa kasalukuyan, sa bahagi ng Central Luzon, mayroong hindi bababa sa 40,000 pamilya ang apektado habang higit sa 21,000 naman ang inilikas sa Western Visayas.

Samantala, sa kanilang datos, umakyat na sa tatalo ang bilang ng nasawi dahil sa sama ng panahon na mula sa Camiguin, Lanao Del Norte at davao Oriental.

Kasalukuyan naman itong sumasailalim sa beripikasyon at validation.