-- Advertisements --

Patuloy ang Department of Social Welfare and Development sa pagbibigay ng tulong sa lahat mga residenteng naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkan Kanlaon sa lalawigan ng Negros Occidental.

Kaugnay nito ay aabot sa kabuuang P9.8-M cash assistance ang naihatid ng ahensya sa mga apektadong pamilya.

Bawat isa sa mga ito ay nakatanggap ng tig P5,775 na tulong pinansyal.

Kabilang na rito ang mga residente na nagmula sa La Castellana, La Carlota City, at Bago City.

Sa isang pahayag ay sinabi ni DSWD Field Office 6 Regional Director Arwin Razo, ito ang unang pagkakataon na nagpaabot sila ng Emergency Cash Transfer .

Tiniyak naman ni Razo na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan na apektado ng pagsabog ng bulkan.