DAVAO CITY – Pumalo sa P630,000 ang halaga ng iniwang pinsala ng sunog kahapon sa Bryco Purok 2, Bankerohan, Riverside Barangay 5-A sa lungsod.

-- Advertisement --

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumupok sa 60 bahay na gawa lamang sa mga light materials.

Dahil dito sinabi ni Senior Fire Officer 2 (SFO2) Ramil Gillado, BFP Davao chief sa intelligence and investigation section, rumisponde ang mga firetruck mula sa iba’t ibang panig ng probinsya.

Samantala, wala namang naitala ang mga otoridad na namatay sa nasabing insidente.