-- Advertisements --

NAGA CITY – Tinatayang umabot sa higit sa P13,328,240 ang danyos na naiwan dahil sa magkakasunod na bagyo na nanalasa sa Naga City pagdating sa Agrikultura.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Edna Bongalonta, head ng City Agriculture Office, Naga City sinabi nito na ang nasabing bilang umano ang final assesment ng lungsod sa pananalasa ng supertyphoon Rolly at bagyong Ulysses.

Ayon kay Bongalonta, pagdating naman umano sa danyos mula sa mga alagang hayop nakapagtala rin umano ng aabot sa P501,500 kung saan ito umano ang alaga ng mga residente.

Samantala bago pa man umano manalasa ang bagyo nauna na umanong nakapamigay ng binhi sa mga residente ang ahensya katuwang ang PhilRice.

Habang on the procces naman umano ang mga binhi ng mais mula sa Department of Agriculture.

Sa ngayon maari naman umanong magtungo ang mga residente sa kanilang opisina upang humingi ng libreng vegtable seeds kasabay ng unti-unting pagbangon ng lungsod.