Mahigit 83,000 katao ang nasagip, inilikas at natulungan sa Cagayan at Isabela, kasunod ng matinding pagbaha bunsod ng magkakasunod na bagyo na tumama sa Pilipinas, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC).
Kinumpirma rin ni NDRMMC spokesperson Mark Timbal na napagbigay alam sa kanila ang sitwasyon sa ilang bahagi ng Cagayan Valley region matapos na nitong weekend lamang narinig ng karamihan sa mga Pilipino ang mga ulat hinggil sa matinding pagbaha sa lugar.
Sinabi ni Timbal na ang delay sa relay ng impormasyon mula sa rehiyon ay bahagyang resulta ng COVID-19 restrictions dahil hindi kaagad napayagan pumasok ang media at private sector maging ang mga government officials mula sa labas ng lalawigan ng Cagayan at Isabela dahil sa mahigpit na border control laban sa pandemya.
Gayunman, iginiit ni Timbal na hindi sila nagpabaya sa pag-alerto dahil ilang beses din naman sila naglabas ng mga babala hinggil sa posibilidad ng mga pagbaha sa dalawang probinsya.
Inabisuhan din aniya nila ang mga local government units na gamitin ang kanilang communication network.
Nanindigan din si Timbal na palaging inaabisuhan ng NDRRMC ang mga LGUs na tinamaan ng bagyo na magsagawa ng preventive evacuation.
Ipinauubaya na rin aniya nila sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng forced evacuation.
Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin aniya ang rescue operations sa ilang mga residente na nananatiling trapped sa kanilang