-- Advertisements --

Tinawag ni Senador Alan Peter Cayetano na “game changer” ang pagsasabatas ng Konektadong Pinoy Act para sa digital inclusion ng lahat ng mga Pilipino, kabilang ang mga Overseas Filipino Workers.

Layunin nitong ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa taumbayan sa pamamagitan ng mas mabilis, abot-kaya, at murang internet connectivity. 

Layunin din ng batas na padaliin ang pagpasok ng mga bagong internet service providers para mas dumami at bumaba ang presyo ng mga serbisyong internet.

Nagtatakda rin ito ng minimum service standards para maprotektahan ang mga konsumer. 

Inasahan ang pagsasabatas ng Konektadong Pinoy dahil kabilang ito sa priority measures ng administrasyong Marcos.