Mayroong 75,000 family food packs na handa nang ipamahagi ng DSWD-Negros Island Region Field Office para sa relief operations dahil sa pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, wala pang iniulat na lumikas o internally displaced persons sa mga lugar na apektado.
Kabilang sa mga posibleng maapektuhan ang mga LGU tulad ng La Castellana, Canlaon City, Murcia, La Carlota City, at Bago City.
Patuloy na binabantayan ng DSWD Field Office ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan ang kanilang Quick Response Teams sa mga LGU para sa technical assistance at posibleng dagdag na tulong.
Maliban sa mga food packs, nakahanda rin ang iba pang logistics ng NIR Field Office tulad ng mobile kitchen, mobile command center, at water filtration truck na maaaring gamitin anumang oras kung lumala ang sitwasyon.
















