-- Advertisements --
PNP SPOKESMAN BANAC
PNP Spokesperson

Nasa kabuuang 6,362 gun ban violators ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa nakalipas na midterm elections noong Mayo.

Batay sa datos ng PNP, nadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na naaresto dahil sa paglabag sa election gun ban.

Ang election period ay nagsimula nuong January 13 at nagtapos kahapon June 12.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Bernard Banac sa nasabing bilang 5,989 dito ay mga sibilyan; 104 ang security guards; 94 ang government officials; 48 ang mga pulis; 31 ang miyembro ng threat groups; 25 ang mga pulis; 19 ang myembro ng ibang law enforcement group; 15 foreign nationals; at siyam na myembro ng private armed groups.

Dagdag pa ni Banac, umabot na sa 5,304 ang mga baril na kanilang nakumpiska at maliban dito ay umabot naman sa 50, 386 na mga bladed weapons ang nakumpiska ng mga otoridad.