LA UNION – Mahigit sa 300 mga bagong PO1 ang nakatakdang magtapos ngayong araw ng Lunes, Mayo 20, 2019.

Isasagawa ang graduation ceremony ng mga bagong PNP recruit sa Regional Training School (RTS-1) sa Aringay, La Union bandang alas 9:00 ngayong umaga.

Kasabay ng kanilang pagtatapos, ang hudyat na tapos na rin ang anim na buwan na pagsasanay sa ilalim ng RTS-1.

Ang mga bagong PNP recruit ay ide-deploy sa iba’t ibang lugar sa buong rehiyon.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi pa rin ng taunang regular recruitment ng Philippine National Police sa buong bansa.