-- Advertisements --

LA UNION – Nadaragdagan pa rin ang mga kaso ng COVID-19 sa bansang Singapore.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Gay Lopez, tubong Barangay Pila, Luna, La Union at 16 years nang nagtatrabaho bilang overseas Filipino worker sa nasabing bansa.

Sinabi nito na umaabot na sa higit 13,000 ang mga COVID cases kung saan kabilang rito ay mga Bangladeshi at Indian nationals.

Ayon sa kanya, naging mahigpit na ang ipinapatupad na social distancing upang labanan ang COVID-19.

Kaugnay nito, nakahanda naman ang Singapore government sa pagbigay ng ayuda sa mga kabilang sa no work pay.

Samantala, work from home naman ang ginagawang trabaho ng mga OFW at hindi rin sila pinapayagan na mag-day off.