-- Advertisements --
Aabot sa mahigit isang daang mga driving schools sa bansa ang sinuspinde ng Land Transportation Office dahil sa mga paglabag.
Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II , mayroon itong kabuuang 107 driving schools na sinuspinde sa loob lamang ng dalawang linggo.
Naitala ang bilang na ito matapos ang isinagawang audit trail ng ahensya sa buong bansa.
Binigyang diin ni Mendoza na wala nang kawala ang mga ito at tiniyak na mas lalo pa silang maghihigpit.
Karamihan sa mga driving schools na ito ay natukoy na mula sa Central Luzon, Calabarzon, at maging sa Metro Manila.
Ayon kay Mendoza, ilan sa mga paglabag ng mga ito ay dahil sa no-show or non-compliance sa tamang theoretical driver’s training.