-- Advertisements --
Nadagdagan pa ang bilang ng mga pasyenteng nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Omicron BA.5 sub-variant.
Base sa pinakahuling data ng Department of Health (DOH), sa ngayon nadagdagan pa ng 1,055 na ang kabuuang kaso ng BA.5 subvariant.
Nasa 883 naman dito ang nakarekober na at ang iba ay patuloy na nagpapagaling.
Sa lahat ng rehiyon, ang Regions 9 at 10 na lamang ang walang kaso ng COVID-19 BA.5 variant.
Dahil sa bagong kaso, sa ngayon nasa 3,012 na ang kabuuang bilang ng naturang subvariants.
Ayon kay DoH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na-detect din sa bansa ang unang dalawang kaso ng Omicron subvariant na BA 2.75 sa Western Visayas.