-- Advertisements --

Plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na bumisita sa “ground zero” kung saan tumama ang magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.

Ayon kay Presidential Communications Office Chief Dave Gomez , nauna na ang ilang cabinet secretaries sa mga matinding tinamaan ng lindol.

Dagdag pa ni Gomez na labis na nalungkot ang pangulo at ito ay nagpaabot ng pakikiramay sa mga nasawi.

Tiniyak din ng pangulo na tutulong ang national government sa local government units na apektado ng lindol.

Agad din na inatasan ng Pangulo ang mga namumuno ng frontline government agencies na agad na tumulong sa mga naapektuhan ng lindol.