Muling ipinagpaliban ng Kamara ang budget deliberation para sa Office of the Vice President (OVP) matapos hindi dumalo si Vice President Sara Duterte.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na ipinagpaliban ang budget debate ng OVP.
Sa isinagawang parliamentary inquiry, tinanong ni House Minority Leader Marcelino Libanan kung bakit hindi pa rin naisalang ang OVP budget at tinanong kung nasa premises na ng Kamara si Vice President Duterte.
Ipinaliwanag naman ni Majority Leader na batay sa umiiral na protocol, kinakailangang personal na dumalo ang head of agency sa deliberasyon ng kanilang budget.
Dahil dito, iang mosyon ang inihain upang itakda ang deliberasyon ng OVP budget sa bukas, Oktubre 2, 2025, na siya ring huling araw ng budget deliberations sa plenaryo.