-- Advertisements --

Tiniyak ng Presidential Communications Office (PCO) na mahigpit nilang babantayan ang pagkalat ng fake news na may kaugnayan sa nangyaring 6.9 magnitude na lindol sa Cebu.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez,  mahigpit ang direktiba sa kanila na siguraduhin na tama ang impormasyon na ipinararating sa ating mga kababayan.

Giit ni Gomez, ang utos sa kanila ay tiyakin na tama at updated ang mga impormasyong ilalabas na may kaugnayan sa lindol lalo na ang mga naitalang mga  aftershocks ng sa gayon hindi maalarma ang publiko.

Ipinag-utos din sa PCO na siguraduhin na ang lahat na ginagawa ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr at ng mga cabinet secretaries patungkol sa pag responde sa napakalakas na lindol ay makakarating sa publiko sa tamang panahon.