Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa sa limang suspek na pumatay kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga.
Personal na sumuko ang sinibak na dating police na si Nelson Mariano sa NBI Organized Transnational Crime Division nitong Lunes habang si Santie Mendoza ay sumuko nitong Martes sa NBI Ilo-ilo Office.
Ayon sa NBI na ang mahalaga ang testimoniya ng dalawa dahil sila ang nagsilbing middlemen na may kinalaman sa direktang utak ng krimen.
Kasalukuyang hawak ng NBI head office ang dalawa habang hinihintay ang commitment order ng korte.
Magugunitang naglabas na ng warrant of arrest laban kina dating PCSO general manager at retired police colonel Royina Garma, dating National Police Commission commissioner Edilberto Leonardo at police na si Jeremy Causapin dahil sa pagpatay kay Barayuga noong 2020.
Nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa International Police Organization o interpol para hanapin si Garma.
Nitong Setyembre 7 kasi ay nagtungo sa Malaysia si Garma para makaharap ang ilang opisyal ng International Criminal Court dahil sa handa itong magbigay ng testimonya laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.