-- Advertisements --

Nasa probinsiya ng Cebu si Vice President Sara Duterte para bisitahin ang mga apektado ng magnitude 6.9 na lindol.

Ayon sa Office of the Vice President (OVP) na nagbahagi sila ng tulong sa iba’t-ibang bayan na apektado ng lindol.

Mananatili ito sa Cebu hanggang ngayong Oktubre 2, kung saan iikot ito sa mga apektado ng lindol.

Magugunitang hindi na dumalo ang Bise Presidente sa plenary debates sa House of Representatives ngayong Oktubre 1 para sa panukalang budget ng OVP na nagkakahalaga ng P900 milyon para sa 2026.